Y
Friday, September 28, 2007
nabisto...exam...Godbless
tumatambay ako sa tambayan ng iso dabaw kanina, sa aking break. ang aming tambayan ay nasa west wing ng main library, bandang steps. nakatambay naman sa mismong steps yung mga kaklase ko kasama ang kanilang mga kabarkada na di ko naman kilala, so pagtugunan natin ng pansin ang kanilang barkada, collectively. nagkukuwentuhan sila nang di napapansin na abot hanggang edsa ang lakas ng kanilang mga boses. pero ok lang naman iyon. nagbabasa lang ako ng dyaryo sa pagkukunwaring hindi ko naririnig ang kanilang mga kuwentuhan. sa katunayan ay tinitingnan ko lang naman ang mga larawan na nasa dyaryo, yun lang. narinig ko ang kuwento ng isa sa magbabarkada. sabi nya, "alam nyo ba, nasa bahay ako nun. dumating si ate sa bahay, galit na galit siya kasi super gulo ng bahay. sabi ko naman sa kanya
'te, darating daw dito ang Linkin Park.' sagot naman nya,
'sino nanaman ang darating? ang dumi-dumi na nga ng bahay e!!!' ..." hindi ko mapigilan ang tawa ko kanina. nabisto tuloy ang aking pagkukunwari.
maaaring nagtatanong kayo kung bakit ako nagtatagalog... wala lang... kanya-kanyang trip lang yan... nagrarally nga yung iba jan kasi trip lang din daw nila... hirap lang akong magenglish... nyowk!!! nag-eenglish din naman ako... kita nyo naman yung iba kong entries...
exam nanaman... ang haggard ng sked ko this week... may 6 na papers pa ang dapat kong tapusin... may isang exam ako bukas (finals sa chem40.1)... finals sa mga ge at long exams sa mga majors next week, oct. 2,3,4,5!!! may mga finals pang hindi pa nasschedule!!! ang laking flood... sabi nga ni kuya andrew 'handa ka na ba???' kasi, it all matters on how well i would prepare my ark for this flood (naks, english)... so ayun, consecrate sa lessons... God bless naman sayo!!!(ako yun, addressing myself... go hubs!!!)
sa lahat ng may exam, God bless!!!
sa lahat ng walang exam, God bless pa din!!!
join the LGM revolution at 5:50 PM